• Hope Christian High School - Students
  • Hope Christian High School - Students

Nobody,nobody but..UbD?

Isa sa pinakamainit na usapin sa ating lipunan sa ngayon ay ang panukalang pagpapalit ng kurikulum  sa antas ng sekundarya. Nahati ang larangan ng edukasyon sa dalawa, ang mga sumasang-ayon sa  pagpapatibay ng “Understanding-by-Design” (UbD) at ang mga nakakakita ng mga sagabal na kakaharapin sa pagpapatibay ng naturang kurikulum. Ano nga ba ang UbD? Ito nga ba ang epektibong solusyon sa pagpapataas ng kalidad ng edukasyon sa bansa?

Noong nakaraang Nobyembre 12-14, 2010 ay dumalo sa isang kumperensya sa Pangasinan at Baguio City ukol sa naturang kurikulum ang mga punong-tagapangasiwa at mga guro sa Filipino, Mathematics at Science  mula sa iba’t ibang pribadong paaralan. Layunin nito na ipabatid sa mga guro ang saklaw ng bagong kuikulum. Ang “Understanding-by-Design” ay pinasimulan noong 1998 nina Jay McTighe at Grant P. Wiggins. Layunin ng UbD na bigyang-linaw ang dalawang tradisyunal na pamamaraan sa pagkatuto ng mga mag-aaral:  ang “coveraged-focused teaching at activity-focused teaching” Sa unang pamamaraan, itinuturo ang kabuuang nilalaman ng batayang-aklat sa buong panuruang taon subalit sa bandang huli ay hindi naman batid ng mga mag-aaral ang kahalagahan ng pag-aaral ng mga ito. Sa ikalawang pamamaraan, ang “activity-focused design” ay nagsasagawa ng iba’t ibang gawain sa pagkatuto subalit natatapos ito ng hindi rin nauunawaan ng mga-aaral kung bakit nila ito ginagawa. Ang mga suliraning ito ang nais bigyang tugon ng naturang kumperensya; ang malawak na pagkatuto ng mga mag-aaral sa aralin at malalim na pag-unawa kung bakit nila ito pinag-aaralan at ano ang kahalagahan nito sa kanilang buhay sa darating na panahon.

Bagama’t malaking hamon sa atin ang pagbabago  ( na naman? ) ng kurikulum sa pribado at publikong paaralan, umaasa ang mga guro na ang UbD ay isang paraan upang mapataas ang kalidad ng edukasyon sa bansa.
Nobody, nobody but UbD na nga ba?


blog comments powered by Disqus

Upcoming Events

Contact Us

1242 Benavidez St.,Sta. Cruz, Manila, Philippines
Telephone Numbers: 310-8071 to 80
Telefax:
254-8339
Email: info@hchs.edu.ph
Website: www.hchs.edu.ph

Subscribe

Enter your email address:

Delivered by FeedBurner